|
SA ILALIM ng Republic Act 6713, lahat ng opisyal ng pamahalaan ay dapat
ideklara ang kanilang pag-aari taun-taon.
Subalit ang kailangan lamang ipaalam sa taumbayan ay ang assets ng kanilang
mga asawa at anak na wala pang 18 taong gulang.
Tila hindi inaasahan ng mga nagbalangkas ng batas na magkakaroon ang
Pilipinas ng isang pangulong tulad ni Estrada na lantarang aamin na marami
siyang babae at anak sa labas.
May problema sa ganitong sitwasyon—lalo na kung ang sanga-sangang relasyon
ng isang opisyal ay nagbibigay-daan sa napakaraming querida at anak sa labas
na aktibo sa negosyo.
Pero pinupunuan ng ibang batas ang kakulangan ng RA 6713.
Maliwanag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na maaaring samantalahin
ng mga kamag-anak o "close personal relations" ng isang opisyal ang kanilang
relasyon sa pamamagitan ng "directly or indirectly requesting or receiving
any present, gift or material or pecuniary advantage from any other person
having some business, transaction, application, request or contract with the
government, in which such public official has to intervene."
Saklaw ng kategoryang "closer personal relation" sa nasabing batas ang mga
malapit na kamag-anak, kaibigan, at mga kasamahan sa kapatiran at sa trabaho
ng isang opisyal. Sa ilalim ng kategoryang ito'y tila maaaring mapabilang
ang mga kabit at anak sa labas ng isang opisyal.
Ang mga nasabing batas ay may kabuluhan lalo kung ang pag-uusapan ay ang
napakaraming negosyo ni Guia Gomez, ang babaeng kinasamang matagal ni
Estrada at ina ng kanyang 31-taong-gulang na anak na si Jose Victor "JV"
Ejercito.
May sariling mga negosyo rin si JV. Siya ay incorporator at stockholder sa 8
iba pang kumpanya.
Shareholder din sa 2 kumpanya ni Gomez si Joel O. Ejercito samantalang ang
kanyang kapatid na si Ma. Theresa O. Ejercito ay stockholder naman sa 5
kumpanya. Sina Joel at Ma. Theresa ay anak ng Pangulo kay Peachy Osorio,
anak ng isang direktor sa pelikula na nakarelasyon ni Estrada bago siya
nakasal kay Loi Ejercito.
Base sa mga rekord, ang pinakasentro ng mga negosyo ni Gomez ay real estate
at trading. Nagmamay-ari siya ng di bababa sa 7 kumpanya ng real estate na
may authorized capitalization na higit P200 milyon.
Halimbawa, ang EG Properties na itinatag noong Nob. 23, 1998, ilang buwan
matapos itanghal si Estrada bilang pangulo, ay may authorized capital na
P100 milyon. Ang P25 milyon dito ay pinunuan nina Gomez (P12.5 milyon) at
nina JV, Joel at Ma. Theresa, at isang Joey G. Estrada (P12.5 milyon).
Isa pang real estate company ni Gomez ay ang Meiji Inc. na nagdedebelop ng
isang housing estate sa Cavite. Ang Meiji ay may authorized capital na P100
milyon-P7 milyon ay pinunuan na nang itatag ang kumpanya noong June 24,
1992, higit isang bu-wan matapos manalo bilang bise presidente si Estrada.
Si Gomez ang may pinakamaraming shares sa Meiji-naglabas na siya ng P4
milyon sa P16 milyon na subscribed capital nang irehistro ang kumpanya sa
SEC. Si JV ang ikalawa sa may pinakamaraming parte sa Meiji.
Ang iba pang real estate companies na nasa pangalan ni Gomez ay ang
Grand-meadows Properties Inc., El Pueblo Builders Inc., Apex Land Inc., All
Time Realty Consultants and Managers Inc., at JV&G Inc.
Pero sadyang nakaba-bahala kung ang negosyong papasukin nila ay may
kinalaman sa gobyerno. Ang mga housing project ay kailangang sumunod sa
zoning at environmental regulations. Ang mga kumpanya ng real estate naman
ay maaaring mangutang sa mga government financial institutions.
Nang tanungin tungkol sa mga negosyo nilang mag-ina, ipinagtanggol ni JV
Ejercito ang kanilang ginagawa.
Aniya, "We are business people and we have been in the past 10 years. We
never dealt with any government project since my father is a public
official, and we will continue avoiding deals with the government."
Mahirap panghawakan ang pahayag na ito ni JV. Ang tanging anak ni Estrada
kay Gomez ay ang pinakamalaking shareholder ng isinarang Best World
Construction Corp., affiliate ng kontrobersiyal na BW Resources Corp., ang
kumpanyang nasangkot sa insider-trading scandal
H O M E |
who we are | what we do | i on the net | e-community | e-bookshop
|
|